patlang

space between; interval

actually, it’s you!

Posted by yael blanco on November 26, 2007

one of my most hated one-liner that i have ever heard being utter in reel and real life is

it’s not you… it’s me..

what a load of bullshit!

hipocritong linya ang fotah!

in rejecting or breaking up with someone… why is it that most of us are afraid to say things as it is?

ano ba? magpakakatotoo ka naman! what do you fear ba? afraid kang maka-hurt ng feelings ng ibang tao?

fotah! lumang istrok na yan… ang ganyang mentalidad inababaon sa baul at inililibing na sa hukay kasama ng mga uuod!

wait!

ang uuod sa lupa may silbi… ang ganyang mentalidad ay nagsisilbing lason sa pagkatao ng isang tao!

if you think that you’re not compatible with someone dahil sa mga habits, attitude, sa kama at personalidad ng taong you’re with or planning to be with, or talagang di mo lang gusto ang looks niya, why then spare yourself the truth?

yup… you read it right – spare yourself the truth.

yes, in trying to spare the other person’s feelings, nagpapaka-plastik ka sa sarili mo and you are refusing to grow up, magpakatao and take responsibilities for your actions (cumulative – sa isip, sa salita at sa gawa)

besides, mas lalo mo lang ginagahasa ang pagkatao ng taong dine-deprave mo ng katotohan by taking the “high road” kuno.

di ka lang plastik, liar at hambog… isa ka pang pakshet!

ba’t di mo amin na siya (partner mo o x-potential partner) ang may kakulangan at di ikaw? ba’t di mo sabi ang totoo na ayaw mo na sa kanya kasi… (x factor of reasons)

who gave you the right to subject and inject further injury to the that person’s feelings and being, simply because you are too goddamn freaking chicken to admit na nasa kanya ang diperensiya kaya mo siya nire-reject o hinihiwalayan!

do you think that uttering that line would make that person feel good about his self/herself?

‘wag kang selfish… sarili mo lang ang iniisip mo, kumag!

peste ka, to think na you are sparing someone else’s feelings by saying that line, well, in actuality you just want to feel good about yourself at the expense of others…

idiot!

just tell it as it is… tapatan lang… masaktan na ang masasaktan… at least nasaktan siya sa katotohanan!

tapos!

Posted in patlang | 2 Comments »

txtmayt, i lab u?

Posted by yael blanco on October 27, 2007

*tot… tot… tot…*

*sana maging tau*

*tot… tot… tot…*

*i lyk u!*

*tot… tot… tot…”

*i think i’m fallin’ in love w/ u*

*tot… tot… tot…*

*i love u*

hmm… familiar ba?

i’m not trying to dismiss that two strangers who haven’t met yet and have been exchanging IM (instant messaging) na ma-fall in love sa isa’t isa. o di kaya ang usual na scenario ay isa lang sa kanila ang ma-fall in love.

di na bago ang ganitong incident, sa generation natin na ang courtship is most done through SMS (short messaging service), sa panahon ng utol kong babae sa telepono, sa utol kung lalaki sa short wave radio at sa mga magulang natin through sa love letters na sinulat kamay.

ang difference lang sa example ko sa itaas ay ang mga utol ko at magulang ko first met their respective partners before using the latest means of communication available sa courtship. pero sa henerasyon natin, kadalasan ang courtship ang nauuna bago pa man makita ang ka-txt in person which oftentimes lead to frustration.

hey, i’m not against it, i’m all for any form of communication! but the thing is sana naman magkaroon tayo ng common sense to really looking inside, analysis what we really feel and really know the person beyond SMS (or other mode of communication) to be sure if we really love the person we think we are falling in love with.

umpisa pa lang nai-establish ko na ang sexual orientation - lalaking na gustong asawahin ay lalaki rin. di ako hipocrito, i have fallen into the trappings that i had mention earlier, not once pero many times over. Isa na dyan was with a guy sa YM (yahoo messaging) and second sa SMS.

exchanging sweet nothings and empty promises, pero after we meet in person we both found out na di pala kami compatible or kadalasan ay mailabas lang pala ang libog ang after nung other guy.

di sa pagmamalinis, i am guilty of doing that too, many times over. i thought i was falling in love with the guy na lagi kong ka-txt pero it turns out to be sex lang din pala ang habol ko.

karma? (i’m using this term loosely in this article)

siguro?

but, a guy has to mature sometime. and i must say – i did. if i’m going to find really love with the same sex beyond sms, i have to know him in person – really know him.

resolution?

yes, my resolution!

Posted in patlang | 6 Comments »

soul mate, multo ng pagnanasa nga ba?

Posted by yael blanco on October 18, 2007

soul mate o soulmate madalas natin marinig sa mga tao sa loob ng jeepney, sa mga nagto-tomaan na lalaki with matching beer guts to boot sa kanto, sa banyo habang nagsasariling sikap at pati sa kama habang nakikipag-sex sa ka-ONS (one night stand) na nadampot lang sa walkway.

casual man ang pagkaunawa o paggamit ng term na ito, isa lang ang sigurado at yon ay ang quest or life’s purpose nating mga mortal to have connection with one another.

ayon sa mitolohiya ng mga greco, ang mga tao (di binanggit kung ang siamese twins ay both girl, both boys or mix… hmm… origin di kaya ito ng third sex?) raw noong sinaunang panahon ay iisa lang ang katawan na may dalawang ulo, may apat na mga kamay at paa. imagining mo ang asong may dalawang ulo at tig-apat na mga kamay at paa, yon mismo yon! (kewl, pagnag-sex sila instant foursome agad!)

anyways, ayon sa kwento, the almighty egotistical zeus heard na ang mga tao ay nagtatangkang akyatin ang mount olympus. dahil elitista ang mga grecong diyos at exclusive ang mount olympus para lang sa gaya nila, zeus decided na paghiwalayin ang mga rebeldeng humans into halves.

ang logic ni zeus ay: “dahil sa mga ambisosyo kayo at gusto ninyong akyatin ang palasyo ng mga diyos para maging diyos-diyosan rin kayo kaya i will cut you into halves. kasi together you are strong pero divided you shall fall and forever longing to be united again!” (nampu! naks ang monologue ni lolo zeus!)

kaya iyon biniyak ni zeus ang mga tao! at sa kadahilan na yon forever naghahanap ang mga tao sa kani-kanilang soulmate.

sometime last week while i was checking my downe account, may nag-mack sa akin. i forgot who the person was but the conversation medyo affected ako. and right now, as i’m writing this, i saw sa bulletin board isang ka-berks ko. he posted and i quoted: “i should become immune to this feeling. it sucks. i lie and say that i am, and yet i let my heart take the best of me. why? why do i do that, when every guy out there seems to lead you on for fun, or just because he wants action. why can’t a guy just ever be in something, just to have someone special, instead of screwing around with the other guy’s heart?”

(sad di ba!)

ganyan din ang sentiments nung guy naka-chat ko.

bottom line is: “may soulmate ba ang mga third sex?”

ang sagot ko dyan: “nampu, oo! oo at oo pa!”

i believe na lahat ng tao sa buong kabuuan ng kanyang buhay ay may taong nakalaan para sa kanya, (that’s what i think, regardless) ang kalahati ng kanyang buhay. (ibang topic na kung bakit di sila nagkatuluyan ng “soulmate” niya)

that’s the only thing that is giving me hope sa kalakaran ng buhay, na may tao para sa akin na magmamahal ng totoo and bubuo ng aking pagkatao, after all that’s the premise of what soulmate is all about.

problem is that minsa’y most of us are too damn caught up sa pagiging autistic natin at sa mga imposibleng standards na sinet natin na di natin napapansin dumating na pala yon tao para sa atin. pakinggan nio ang kanta ni john mayer, “love song for no one” para ma-gets mo ang ibig kong sabihin. at ayon pa sa napanood ko sa discovery channel na ang true love raw ay 6 times lang daw darating sa buhay ng isang nilalang. (don’t ask me kung anong mangyayari after the 6th time, di ko alam at di rin sinabi sa palabas!)

ang modernong kahulugan ng “soul mate” could simple transpose to the “one” or the “one” you decide to fall in love with.

tanong ko: “bakit utak ba ang nakakaramdam ng pag-ibig? at may pa-decide decide pang to fall in love with?”

sagot ko: “oo!” (but bro at sis ibang topic na po yan!)

Posted in patlang | Leave a Comment »

labeling

Posted by yael blanco on October 16, 2007

kung ika’y tambay o nagawi na sa bi-manila, salsalan, atbp (mga gay channels sa mirc) o di kaya member ka ng mnl, salsalero, binatangpinoy02 atbp (mga grupo sa yahoo) o di kaya may account ka sa Downelink.com, Manjam.com at sa yehey.pinoypride.org atbp pang gay/bi oriented sites, chat rooms etc., sigurado akong mauunawaan mo ang mga susunod na mga paragraph na isusulat ko.

the typical ice-breaker to start a conversation sa chat room ay: “NASL” (name, age, sex and location).

moving on…

somewhere along the conversation, if not the very next to be asked after ng NASL ay ang sexual orientation.

when i was a kid (grade school) ang madalas ko lang marinig na sexual orientation ng tao ay lalaki, babae, bakla, tomboy at silahis. nung nga kala ko ang bakla at silahis ay synonymous.

nung nag high school naman ako, tagsibol ng kalibugan ng lahat ng nagbibinata, syempre di mawalala ang exchange ng notes, stories, haka-haka at kung anu-ano pang mga napulot na kung san lupalop ng mundo na kaalaman (tama o mali) tungkol sa seks. syempre, mawawala ba ang pinaka importante source ng knowledge about sex – bold magazine, porn tapes at ang aktuwal na pakikipagtalik.

nung high school din ako nakabasa ng isang sex book ng pinahiram ng isa kong classmate (di ko lang maalala kung sino sa mga malilibog kong classmates ang nagpahiram sa akin ng book na yon) tungkol sa iba’t ibang sexual orientation ng isang tao. besides sa mga nabanggit ko above, mahigit pa raw sa 5 ang sexual orientation ng tao (kung ilan talaga at anu-ano yon di ko na ma-remember). also, in that book ko na-discover ang difference ng bisexual at gay.

nung bagito pa lang ako at napa-daong ako sa mga gay chat rooms, nakulta ang isipan at damdamin ko. kasi ba naman, a chatter asked me if i was gay, bi or tripper. (naks, may tripper pa!)

sa totoo lang, di ako comfortable sa labeling. kaya ang sinagot ko dun sa nagtanong sa akin ay: “lalaki ako sumuso ng kapwa ko lalaki!”

not because, i’m not comfortable in my own skin or takot ako sa realidad ng aking seksualidad o takot malaman ng malapit-lapit sa akin na lalaki rin ang gusto kong asawahin.

ayon sa isang psychology subject ko nung college, ang labeling ay generalization about a particular group which may or may not be true. this kind of perception daw is often predujice. ikinakahon daw natin ang ating isipan sa isang paniniwalang madalas sa hindi ay mali and it often leads to divisiveness.

totoo nga. i have often seen it happened sa mga gay channels, sa yahoogroups even sa mga gay based sites at syempre sa tunay na buhay outside www.

in one of the ads in a gay main room: “[age], bi, [location]… trip tayo salsalan sa pad ko… bi/tripper only!”

i respect that person who posted that ad. kasi nagpapakatotoo lang siya sa gusto nia.

katulad ng PLU (people like us) which is in reference to the third sex. mas okay kung just “people” na lang at tanggalin na yon “like us” kasi pare-pareho naman tayong mga tao. kasi panggulo lang ito at madalas nauuwi sa pakawatak-watak dahil sa labeling eh!

di ko sinasabing wag natin i-claim ang pagiging bi, gay, tripper (atbp) at pagkalandakan ito. pero ang di na healthy ay ikulong natin ang atin isipan which prevents us of knowing other people beyond the label that they proudly wear.

Posted in patlang | 3 Comments »